u/AffectionateFish9091

Image 1 —
Image 2 —
Image 3 —
Image 4 —
Image 5 —
Image 6 —
▲ 370 r/DogsPH+1 crossposts

I would like to share my experience sa pagpapa kapon ng dog ko right from preparation/research up to before/during/after neuter.

This will be a long post!

Firstly, may experience na ko sa pagpapakapon (2 male puspin and 1 female lhasa apso) lahat sila sa low cost or mass kapon lang. all good walang naging problem. The thing is, nung pina spay ko yung 2year old female lhasa apso ko that time, dun ko lang nalaman na pag brachycephalic breed (short nosed like shih, pugs, lhasa apso, etc.) pala they have higher risk ng complication from anesthesia pa lang. They require gas anesthesia instead of injectable anesthesia para mas safe. Unfortunately hindi commonly available ang gas anes sa mga low cost kapon. So i signed a waiver na lang and still went with it. Thank heavens walang naging complications ang dog ko non pero grabe ang nerbyos ko😮‍💨

Fast forward, itong lalaking kapatid naman niya ang ipapakapon ko and is now 4 years old. But since i have idea na sa risk ng brachy breed kahit hindi mukhang pango ang lhasa apso, pinili kong maghanap ng mga vet clinics na nag ooffer ng gas anesthesia. Ang dami kong vet clinics na minessage asking for quotation. Dun ko narealize na hindi porket umaabot ng 20k or more ang presyohan nila e ibigsabihin namemera or OA sila. Mahal talaga ang kapon sa private clinics lalo na pag may gas anesthesia. Masakit sa bulsa pero basta para sa safety ng dog ko pinag ipunan ko talaga. Nag start ako mag research/canvass 2 months prior ng planned kapon day for my dog. Nag tanong tanong din ako dito sa reddit para makahingi ng advice at kung ano mga naging experience nila. Sobrang naging helpful ang mga insights niyo kaya thank you 🥹Nag check ako ng mga reviews ng mga clinics and as usual, di maiiwasan ang may mga bad reviews.

Basically ang naging criteria ko para makapili ng vet clinic ay:

  1. Availability ng gas anesthesia
  2. Estimate overall cost
  3. Location (convenience ng byahe at in case of surgery complications madadala ko ba ang dog ko sa kanila)
  4. Good vs bad reviews

After ko salain yung mga vet clinics na napag tanungan ko, i ended up choosing Biyaya Animal Care. Kahit may mga bad reviews, mas marami pa din yung may good experiences sa kanila. Kailangan lang talaga fully prepared ang pet specially sa vaccine dahil may nabasa ako na nakakuha yung pets nila ng sakit from their vet clinics (not just biyaya ha) kaya pina 5-in-1 ko muna dog ko a month before kapon day. Then 4 days before kapon, pina groom ko naman siya (optional lang) para di ako masyadong mahirapan sa pag check or lagay ng betadine sa wound site. Suggestion ko lang if ipapa groom niyo dog niyo, siguro 1 week before kapon para if magkaroon ng “clipper burns” at least may time to heal muna. Prinepare ko na mga gagamitin ng dog ko like pee pads, diapers, cage, bed, area niya sa bahay, vet records, etc.

Habang papalapit yung araw, mas lalo ako napapraning at kinakabahan. Ipapa blood test ko na sana siya a day before para alam ko na agad kung tutuloy kami sa kapon o hindi (if may findings) kaso di available yung nearest vet samin.

The night before kapon: start ng fasting niya ay 12am light meal lang binigay ko non. Everyday kinakausap ko rin pala yung dog ko na maging brave,strong, and healthy siya.

KAPON DAY: 1 hour byahe to biyaya and we arrived around 8:30am at pinag fill out na kami ng form, pang number 11 kami. Btw, tuesday ang schedule namin para less pila. After 30mins tinawag kami for assessment and pricing. Tinimbang siya (8kg) at ininform ako na gas anesthesia ang gagamitin sa kanya so aabot ng 9,500 ang cost including na ang blood test(cbc at blood chem) Pinapirma na nila ko then pinapasok kami sa isang room para magwait for blood extraction. 9:40am nakuhaan na siya ng blood then after 1 hour may results na at normal naman lahat. Pinaiwan na yung dog ko sa loob at balikan ko daw ng 3pm. Nung tanghali kumain muna ko sa labas at bumalik ng 1pm, di pa daw gising. Ang dami nang nagsisiuwian nito kaya every 10-20mins ko chinecheck sa lobby kung nakalabas na siya sa OR. 2pm wala pa din, yung kaba ko nito di ko na mawari buti na lang sinabi sakin na gising naman na yung dog ko they are just waiting na makabangon siya. Pinagbayad na nila ko and umabot ako 10k all in all kasama na take home oral meds (except antibiotics kasi di available sa kanila) then 3pm good to go na siya finally! Almost di na siya groggy nung kinuha ko haha feeling ko matagal na talaga siyang gising sa loob. 1hr ulit byahe pauwi at pagdating namin ang hyper na niya e bawal siya mag likot kaya nilagyan ko agad ng cone para di niya rin madilaan yung tahi niya sa toytoy. Bought the antibiotics sa nearest vet, i just showed them yung reseta. Kumain na siya 6pm and okay ang appetite.

After kapon: the next day nag start na kami ng oral meds niya (antibiotics, tolfenol, iron+b vitamins). Pinapahiran ko ng betadine yung sa tahi niya every morning and evening. Pinapag pahinga ko siya from cone pero nakabantay ako incase dilaan niya sugat.

1 week na since nakapon siya, so far okay so good, magana kumain, hindi matamlay, walang discharge sa wound. Im so thankful na successful ang kapon journey niya.🤎

Sana maging helpful din ito para sa mga nagbabalak o nagdadalawang isip ipakapon ang fur babies nila. Kung kaya sa low cost kapon, pwede naman. May mga things to consider lang tulad ng breed at age.🐶

I included picture ng breakdown ng gastos ko plus my dog with his decapitated lobster while wearing his e-collar as a flower crown lol

Ps. Ito yung link sa post ko re quotation from vet clinics offering neuter with gas anesthesia: https://www.reddit.com/r/dogsofrph/s/0l83oxhVeX

u/AffectionateFish9091 — 14 days ago