So itong post ko ay may kinalaman sa naging teksto ngayong midweek pagsamba. Sa mga trapped member dito, alam natin na tungkol sa pagkabalisa yung teksto.
Wala naman akong naging violent reaction sa unang part ng leksyon. Dahil unang una, hindi naman na bago sa pandinig ng isang kristyano ang paniniwalang kayang malunasan ng panalangin ang kabalisahan ng isang tao. Kung baga generic belief na yan eh. Mapa katoliko ka man, born again, mormons, 4th watch o ano pa man ay walang tututol dyan.
Ang hindi ko lang maitindihan bakit pinipilit nilang ipagsiksikan sa teksto yung monetary needs ng iglesia, kagaya ng tanging handugan na yan. Ganito kasi style ng mga ministro. Kahit anong topic ng leksyon, halimbawa tungkol sa pagkabalisa, nagagawan nila ng paraan para yung flow ng topic mapunta doon sa kondisyon na kelangan mo munang tumupad ng utos para mangyari ang hinihiling mo.
Then after nyan, saka na nila ipapasok yung mga tanging handugan, paglalagak, pagtulong sa gugulin ng iglesia, etc etc na para bang iyon lamang ang utos ng Diyos na kelangan mong sundin para sumagana ka sa buhay. Ilang sports car ba ang request ni AEVM sa birthday nya ano?
Nakakalimutan nilang ibilang sa utos ng Diyos yung pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa mga kaaway o umuusig sayo, pagpapakumbaba, ang kabawalan sa pagpatay, pagnanakaw, pangangalunya, pagiging sakim sa kapwa, pagiging palalo.
Kung makikinig lang kayo sa mga aral ng ibang relihiyon, catholic man yan, o born again, ma rerealize sobrang sarap pala sumunod sa Diyos, dahil hindi naman nakakabutas ng bulsa ang tunay na pagsunod sa Diyos. Hindi lang naman pera ang maaari mong maihandog sa Diyos, kundi ang higit sa lahat, ang pagpupuri at pagsamba na marapat sa Kaniyang pangalan.
Wala eh, kaya dumadami mga hindot na kapatid eh. Anlalaki ng sungay. Katwiran yata nila sa loob loob nila, malaki naman daw ang perang nilalaan nila sa iglesia. Pwe! Ang hindi nyo alam, ginagawang puhunan lang ng iglesia ang kasadlakan ng mga kapatid.