u/Accurate_Return_3345

▲ 69 r/BPOinPH

Dear VXI QC,

Stop laying off employees. Itigil nyo yung hiring nyo then after a few weeks, ili-lay off nyo lang. Yes, hindi terminated but they'll still be floating and then re-profiled. Ilang linggo pa lamang silang nagtatagal sa teams nila and then, panibagong pakikisama uli? Tapos ang siste, yung maiiwan ang sasalo ng napakataas na volume ng calls and/or chats dahil sa ni-lay off nyo. Konting queueing, nagha-hire kayo, tapos konting avail, kahit hindi naman araw araw ung avail, nagli-lay off kayo. Sana di nalang kayo nag hire.

Sa mga nagbabalak mag apply, wag na. Lalo na if sa non voice kayo mapupunta. Parang tradition na pag lay off nila ng employees. Every month kayo kakabahan if mag lay off ba. Last time, nag hire sila, tapos na endorse sa operations, isang araw pa lamang itinatagal nila sa team, nag lay off agad sila.

EDIT: Stop playing with people's feelings rin. Di ho kami robot na parang okay lang na bawasan nyo ng bawasan ung team namin. Once you added those newbies to the team, we will welcome them, make them feel like a member of the fam, then what? Only for them to be removed?

ANOTHER EDIT: Pag nag request ng leave sa inyo, napakadamot nyo. Lakas pa ng loob to ask why do you need the leave request na para bang naka depende sa isasagot ng ahente nyo kung ma-approve leave. Pero sa pag lay off ng employees, mabilis kayo.

reddit.com
u/Accurate_Return_3345 — 14 days ago