u/A_Non-chalant_Person

Dito ako pinanganak at lumaki but hanggang ngayon walang katorya-torya sa Balanga. I saw how poor its growth. Hindi nga siya dapat tawaging city eh. Patay negosyo, repetitive ang lahat ng businesses at restaurants. Walang job opportunities at sobrang mahal ang local transportation within Balanga kahit wala pang fuel crisis. Walang organization kahit sa traffic and transportation. Tinalo pa ng Olongapo through their color coded jeepneys at traffic organization. 'Yung plaza ng Balanga walang kabuhay-buhay, akma sa color ng plaza na gray kasi lifeless. I observed na SM lang talaga nagbigay ng konting buhay sa Balanga. And if you see the common terminal, the queues, 'yung cr, nakakahiya sa mga taxpayers and tourists. Everything is monopolized kasi sa atin. If you want to have a business, sobrang daming permits and fees pa kaya mawawalan ka ng gana magbusiness. Tapos ang gasolina, mas mahal pa sa atin kaysa sa Pampanga samantalang dito source ang petroleum products. And the price of land here is ridiculous for a place na pinipilit gawing city kahit hindi naman city na maituturing. Hindi ka nga basta-basta makakapag-park eh. Dati masaya sa Balanga kahit simple ang galawan ng buhay, but now, pumangit na siya. Balanga lost its former pride.

reddit.com
u/A_Non-chalant_Person — 17 days ago