u/1-AnonymousUsername

Unli Hugs Today! Happy Mother's Day!

First of all, Happy Mother's Day sa mga moms jan!

As a solo parent, mejo mahirap ng i-hug yung anak kong teenager. Laging nagreresist. And shempre mejo busy din. Kaya days before Mother's Day, nagdeal kami na unli hug dapat sa Mother's Day.

And... success mga mi! 🥰 Pag hinuhug ko muntikan na magresist, tapos rinemind ko Mother's Day ngayon. 😆 Ang sarap sa pakiramdam na ma-unli hug ang anak na walang nagrereklamo hahaha! Lalo na malapit na naman pasukan, bihira na naman magkita kasi may night class din ako.

Yun lang po. Nakakatuwa lang kasi. Anyway, Happy Mother's Day ulit!

reddit.com
u/1-AnonymousUsername — 5 days ago