Diagnosed ADHD (unmedicated) ako with severe anxiety and mood disorders (medicated sa MDD +GAD) and sobrang nagsstruggle ako sa work. Most of the time nag zzone out yung utak ko habang nasa work and because of that andami kong clerical errors na nagagawa. Parang constantly akong naka autopilot
Sobrang nahihiya nako sa seniors ko na sumasalo lagi sa mga kapalpakan at katangahan ko. Hindi ko din masabi sa kanila yung diagnosis ko kasi nakaface na ako ng stigma against this sa mga previous work ko. Sinasabi ko nalang minaan na sinusumpong ako ng migraines pero sa totoo lang nagdidissociate na talaga yung utak ko nang sobrang lala.
At the same time constantly ako nasstress na baka dahil sa mga clerical errors ko matanggal ako sa trabaho or even worse matanggalan ako ng lisensya. Napapaisip tuloy ako kung dapat ko ba ipagpatuloy pa na mag work sa front lines. Ginusto ko din naman to. Passionate ako sa work na ginagawa natin pero 90% of the time sobrang overwhelming at nakakapagod.
Matagal akong natengga na walang work and Ilang buwan palang ako nagwowork sa lab na pinagwoworkan ko pero grabeng nabuburnout ko yung sarili ko dahil sa sarili kong thoughts. Madalas pakiramdam ko tuloy sobrang incompetent ko.
Di ko na alam gagawin ko mga katusok