Nanghaharas yung tito namin dahil hindi namin binibigyan ng pera.
Simula pa noon hanggang ngayong senior na siya, menace na talaga sa community at buhay namin ang tito ko. Ilang beses na siya naglabas pasok sa kulungan, rehab, you name it. For the past few months already, he kept on demanding my parents to give him money, at dahil wala na raw siyang makain at pangbili ng gamot. Lagi na lang ganito, and my parents are kind enough to give him money and groceries, even paying for his rent. Kaso nitong mga nakaraang buwan, di na siya masyado nabigyan dahil may malaki rin kaming problema within our family. Kumbaga, wala na kaming time problemahin pa mga problema niya.
Ang kaso, pag di nabibigyan ng pera yung tito ko, ano-ano pinag gagawa niya. Unang beses, pinatay niya yung breaker ng metro (not sure ano exactly tawag doon, basta pag naswitch mo, mawawalan ng kuryente). The thing is, medyo malayo yung poste ng metro namin sa bahay, almost 50 to 60 meters away galing bahay. So di namin nakikita kagad sino nagpatay. Pero sure kaming siya yun, kasi out of all ng mga metro doon, yung sa bahay lang namin nakababa ang switch. Siya lang naman may alam ng metro namin doon bukod sa amin. After the is incident, nilagyan na namin ng padlock yung casing nung switch para di na sana mabuksan at mapagtripan.
Pangalawang kalokohan niya, nag attempt siyang pasukin ang bahay. Fortunately, my other sibling saw him at sinita siya. Sorry siya nang sorry at gutom lang daw siya.
Pangatlo, and this is just recent, pumunta na naman siya sa bahay at humihingi na naman ng pera as usual. Yung tita ko na nasa bahay, hindi siya nilabas. Just as we instructed her, at baka mamaya ano pang gawin sa kanya. After 20 minutes, umalis din siya sa bahay. And guess what? 5 minutes after he left the house, nawalan na naman ng kuryente sa bahay. Pinuntahan ng tita ko yung metro, lo and behold, sinira niya yung padlock at mismong casing ng switch. As in tinungkab niya yung cover.
Natatakot na mga tao sa bahay dahil sa pinaggagawa niya. Wala kaming peace of mind sa sarili naming pamamahay dahil sa kanya. Dati na namin siyang pinablotter, wala lang din nangyari at dahil walang kwenta mga tao sa baranggay. Tropa niya mga tao doon, at siya ang kinakampihan at pinaniniwalaan.
Anong pwede namin gawin legally to stop him from harassing us and going near the house?