u/pisaradotme

Fyang denies sponsor behind PBB win

FYANG SMITH, ITINANGGI NA MAY SPONSOR AT PURE FANDOM ANG NAGPATANGHAL SA KANYA BILANG PBB BIG WINNER

Sa vlog ni Dina Bonnevie kasama si Fyang at JM Ibarra, muling nilinaw ni Sofia Smith na wala umano siyang sponsor sa kanyang pagkapanalo bilang Big Winner—at ang lahat ng boto ay galing sa kanyang fans. 

Kasunod ito ng mga pahayag tungkol sa umano’y “1 million votes” na may sponsor daw.

Kaya tanong ngayon ng netizens: sino ang tinutukoy? 

Source: Lionheartv

u/pisaradotme — 9 days ago

Dustin Yu settles the real score with Bianca de Vera

DUSTIN YU ON REAL SCORE WITH BIANCA DE VERA

Matapos ang open forum, inurirat pa ng showbiz journalists si Dustin Yu tungkol kay Bianca de Vera.

Kuwento ni Dustin: “Paglabas ko ng Bahay ni Kuya, una kong nakatrabaho talaga is si Bianca. I remember music video pa iyon. Una ko talaga siyang nakatrabaho.

“Tapos from that, tuluy-tuloy na. Na parang sunud-sunod yung mga projects namin together.

"Sa work, lagi kaming magkasama. Lock-in, magkasama kami."

Paano off-cam?

"Tapos siyempre outside work, yung relationship, friendship namin kumbaga, magkasama pa rin.”

Sa shooting ng Almost Us, naaalala raw ni Dustin si Bianca kapag nakakaeksena niya si Fyang Smith.

“Iba, e. I mean… masarap katrabaho si Bianca. So far, siya yung pinakamasayang katrabaho ko,” ang nakangiting sabi ni Dustin.

Ano ba ang real score nila ni Bianca?

“Ang masasabi ko lang, sobrang okay kami. Yung relationship namin na nabuo namin, tuluy-tuloy,” pagtatapat ni Dustin.

“At nandito pa rin ako. Hindi iyon mawawala, para sa kanya.”

Kumusta siya, at gaano siya ka-happy these days?

“Super happy.”

May label na ba ang relationship nila ni Bianca?

“Andoon pa ako sa process na talagang pinapatunayan ko pa iyong sarili ko sa kanya,” pahayag ni Dustin.

“Araw-araw. Hindi ako hihinto hangga’t dumating sa panahon na you know, getting there.”

pep.ph
u/pisaradotme — 9 days ago