u/kintashli

Arki Student sa 2E na nangunguha ng plates ng iba

Shout out sa arki student sa 2E na nangunguha ng plates ng iba para lang may kasama raw kuno na bumagsak. Pinaghirapan yan ng kapwa mo arki, lumaban ka nang patas. Proud ka pa talaga na ganiyan yung gawain mo. Kawawa mga ka-batch mo sayo, from 1st year gawain mo na. Kung hindi mo kayang magpasa ng kumpleto, wag kang mandamay ng iba. May option naman na hindi mo
ienroll lahat ng courses, may option for drop. Kung alam mong hindi mo kaya, babaan mo loads mo. Ang kapal din ng mukha mo na manira pa ng kapwa mo students and pati sa mga prof mo diyan. Anong gusto mo, sayo umikot yung mundo? Nakakahiya ka te, ilugar mo yang ugali mo. Hindi nakakaganda yung panghahatak pababa. Kumakalat na yung ss ng leaked convo mo kung saan mo sinabi mga katarantaduhan mo. Sana inisip mo man lang din kung sinong sisiraan mo, doon pa talaga sa taong pinagsabihan mo ng kabaliwan mo. Ngayon mo iimagine yung thrill kung paano mo naisip yan nung nangunguha ka ng plates ng iba. Good luck talaga sayo kapag naireport na yan sa faculty niyo.

My bad, 2A na pala siya this sem…

reddit.com
u/kintashli — 6 days ago