u/justalittlemeowmeow

OA lang ba ako for getting turned off sa expression ng ka-MU ko?

I have this ka-MU for almost 2 months na. Wala pa kaming label kasi ayaw niya daw irush lahat and gusto niya talaga muna ako kilalanin nang husto before siya magyes, which is wala naman sakin and nirerespect ko. Pero habang patagal nang patagal, parang ako na yung gustong umayaw. She's pretty and madaldal and maporma pero yung pananalita niya di ko na nagugustuhan, lalo yung expressions niya. Idk yung proper term pero yung way of talking niya parang mga tao sa kanto lang, parang kay Fyang (?) and wala naman problema sakin kaso minsan kasi di niya alam paano manahimik or ilugar? Yung pati prof minsan kakausapin niya na parang tropa (napagsabihan na siya minsan). Kahit sa events or pag nasa harap kami ng mga tao na you need to mind your manners and way of speaking parang nasa sabungan lang siya kung magsalita. Natotolerate ko pa naman pero yung expressions niya kasi talaga now sobrang nakakaturn off. Laging "napautot/napatae ako nung nakita ko....." or "napautot/napatae ako sa announcement" or "nakakautot naman paactivities niyo ma'am/sir..." Tas pag may ginawa ka na di niya trip or pag may ginagawa ka, magsasabi siya ng "anong kabilatan na naman yan?" or "anong kapekpekan na naman yan?" Minsan sisigaw pa yan sa classroom "Amoy ko na naman kabilatan niyo" pag may naghaharutan kahit pa may prof. or yung greetings niya sa mga tao na "oy, ikaw pala yan. amoy ko betlog/puke/tite mo ah." Alam ko naman expression niya mga yan pero ewan huhu. May iba pa siyang expressions na laging kasama mga private parts ng mga tao liek di ko maintindihan why kailangan lagi kasama mga private parts ng tao pag nagsasalita ka😭. Umaalis nalang ako minsan sa hiya kahit alam kong magtatampo siya kasi tinginan mga tao samin or sasabihan siya na isara niya muna bibig niya. Sinabi ko na sa kanya minsan yan and nagtampo pa siya kasi di ko daw accept kung sino talaga siya and totoo, I felt so shallow. Sumasagi na sa isip ko minsan na gusto ko nalang iend kung ano meron kami pero parang ang OA ko lang talaga. OA lang ba ako?

reddit.com
u/justalittlemeowmeow — 3 days ago