▲ 12 r/baguio
BGHMC accepts payments via QR codes and cards
I-share ko lang kasi sobrang natuwa ako dito, baka makatulong din sa mga curious.
Akala ko, since government hospital siya, medyo limited pa rin yung payment options.
Baka alam na rin ng iba ‘to hindi ko lang sure kung kailan pa nag-start ang BGH pero kanina magbabayad ako ng lab tests, wala akong cash (magwi-withdraw pa lang sana), tapos sinabi na walang laman yung ATM nila. Buti na lang sinabi ng cashier na lahat ng counters nila tumatanggap na ng cashless payments debit, credit, at QR. PayMaya terminals gamit nila.
Walang additional charges kanina and mabilis lang yung payment gamit card ko. Nice one, BGH 👍
u/itsmissywissy — 11 hours ago