Need Urgent Advice: Nabangga ako ngayon lang ng jeepney driver at hindi ako hinintuan para makipag-usap
Nabangga ako ngayon lang ng jeepney driver at hindi ako hinintuan para makipag-usap.
Nasa u-turn kami sa tapat ng fisher mall. Nakasignal light ako kasi pa-u-turn nga ako nang may biglang may sumulpot na jeep sa likuran ko at binangga ako. Dalawang beses niya akong inaararo kahit nakita niya na may motor sa harapan niya (I can assure na kita niya ako kasi bago niya ako bungguin ng pangalawa, tumingin siya palayo sakin at pabalik ulit sakin, tsaka may sinigaw siya na hindi ko narinig).
Then, hinabol ko siya at pinagsisigaw (sa tapat na mismo ng fisher mall) at inangkaan niya pa akong bubungguin ulit kasi kinabig niya yung manibela niya papunta sa direksyon ko.
Nasa Barangay Sta. Cruz na ako ngayon para magpablotter at humingi ng copy ng cctv but unfortunately, buong barangay ay walang kuryente kaya hindi ko makuha yung cctv.
What are the next steps I should do? I have the plate number of the jeep.
Thank you!