[UPD] sana ibalik ang freshie org ban
Sobrang dami ko kilalang burnout na dahil sa org work. Madami sa amin na hinakot ng both political and academic orgs bago pa mag maka-experience ng actual na klase sa UP.
Ipo-promote yung idea na magkakaroon ka ng "guidance" sa college life tapos tatambakan ka lang naman ng trabaho. Siyempre sariling desisyon mo parin naman sumali at minsan ay nakakatulong nga, pero dahil tinatarget agad nila yung mga freshie outright na wala pang alam saan lulugar sa UP mismo majority ay nahihirapan lang din.
u/halfsister_19 — 1 day ago