








Ex reached out after 16/17 years
So di ko alam yung ife-flair ko dito.
For context.
Nag chat sya sa ig yesterday sa 2nd acct ko kung san I posted yung selfies ko lang. Parang maximum 2 years ago nakita ko sa my day ng acquaintance namin na kinasal sya. Nung nag uusap kami he stated na hiwalay na daw sila ng wife nya nung mag wa-1 year old palang yung bunso nya which is now 5 years old and may 7 years old din daw syang anak. Ibinigay daw sakanya yung both kids nung umalis yung wife nya and nag wowork daw ngayon.
As a person na parang switch ang pagiging empath di ko maibigay yung pure unadulterated empathy ko sakanya. Because in that whole conversation he's a person with a tagging na "eto ginawa ko kasi mahal ko" with light victim narrative sa part nya, tapos at the back of my head kinoconfirm ko sa utak ko kung 2 years ago na nga ba yung kasal nya or last year lang. I also encountered lots of men na ganito lagi yung sinasabi regarding sa problema nila sa asawa nila.
In conclusion may mga lalaking ang love language is providing and in return pure submission ang gusto nilang love language na ibigay sakanila. Which is okay lang kung ang pangarap naman ng girl is to submit and be a housewife pero these types of men also pursues women na independent and may sariling ambisyon. Maraming ganito ha di lang sya. Nakakalungkot lang sa part ng mga bata na instead of figuring out what the solution is nag kanya-kanya yung parents, nakakalungkot din yung part sa mother na she wasn't given a chance to navigate who she really is and nakakalungkot din sa part ni guy na he expected that what he did emotionally filling.
P. S. I also saw some gaslighting di ko nalang din minention sakanya kasi feeling ko emotionally draining na yung pinagsasasabi ko sakanya.