Gumawa ako ng app dahil nagkasakit buong pamilya namin at na-realize kong walang backup plan yung asawa ko
Title: Gumawa ako ng app dahil nagkasakit buong pamilya namin at na-realize kong walang backup plan yung asawa ko
Kwento lang, baka may ma-relate or may feedback.
For the past two weeks, buong pamilya namin nagkasakit — sinusitis, allergic rhinitis, severe cough. Anak ko, asawa ko, ako. Yung tipong hindi ka makatulog kasi parang sasabog ulo mo sa ubo.
Isang gabi habang nakahiga kami pareho ng asawa ko na hirap huminga, naisip ko — pano kung hindi na ako nagising bukas?
Hindi yung philosophical. Yung practical. Kasi tinanong ko asawa ko: "Alam mo ba kung saan yung savings natin? Yung mga bank accounts? Investments? Pano mo maa-access?"
Wala siyang alam. Kahit isa.
Dalawa anak namin, siya nag-aalaga buong araw. Hindi ko siya masisisi. Pero yung reality — kung nawala ako that night, wala siyang access sa kahit ano. Lahat nasa utak ko lang.
Naisip ko sabihin na lang sa kanya verbally. Pero sino niloloko ko — nanay siya ng dalawang bata, puyat araw-araw. Hindi realistic na i-memorize niya yung lahat ng accounts at passwords ko.
So gumawa na lang ako.
Yung app is called The Last Will. Nasa App Store at Play Store na. Eto yung gist:
- Offline lang lahat. Walang backend, walang server, walang account creation. Lahat nasa device lang.
- Encrypted with AES-256. Yung key derived from security questions, hindi traditional password. PBKDF2 with 100k iterations.
- Pwede mag-store ng bank accounts, investments, passwords, insurance, instructions — basically lahat ng kailangan malaman ng family mo kung wala ka na.
- May export feature (.mlw file) na encrypted din, para may backup.
- May biometric unlock para convenient.
Hindi siya SaaS, walang subscription, walang data collection. One-time purchase lang. Yung buong point niya — walang data na lumalabas ng phone mo.
Took me around 4 months to build habang full-time work at may dalawang anak. Medyo masakit sa ulo yung crypto part lalo na yung key derivation at field-level encryption sa SQLite, pero nag-work naman.
Kung may tanong kayo sa tech stack or sa build process, ask lang. Happy to share.
Pero beyond the app — seryoso, pag-isipan niyo to. Lalo na yung mga freelancers at solo earners dito. Kung mawala kayo bukas, alam ba ng family niyo kung saan lahat? Minsan yung pinaka-important na task hindi nasa Jira o Notion — nasa bahay.