




Gigil ako sa mga sales agent na mga to.
I’ve been planning on buying my own car for this year kaya pumunta ako sa iba’t-ibang dealers dito sa area namin. From Toyota, Honda, and Hyundai. Nung nasa dealership na ako ng Hyundai to check some of their display units, kingina sobrang kulit ng mga sales rep gusto nila agad akong magpa-reserve ng unit??? Hindi pa ako nakakapili ng gusto kong unit eh gusto na nila kunin agad personal and bank details ko para maprocess na daw nila eh kapag magtatanong ako about sa specs/features nung napupusuan kong model, wala naman sila masagot na matino. Pero todo sila mangulit about sa pag-process kagad ng loan ko.
Ayun kahit nasa top list ko yung ibang units sana nila, sobrang naasiwa at nadiscourage ako pumili kaya umalis na lang kaagad ako. Ang mali ko eh binigay ko yung phone number ko kaya ayan, sa phone ko naman nila ako pinutakti.
Nung una bin-lock ko yung isang number na isang beses tumawag sakin para mag-follow daw kung kukuha na daw ba ako. Tangina lalo ako naasiwa kaya talagang sinabi ko sa sarili ko na ekis na sakin yung Hyundai. Kaurat.
Sinadya kong i-set yung phone ko na auto-silence yung mga unknown callers dahil sa kanila. Tanginang yan. Akala ko kasi titigil na sila at mage-gets na nila na kapag hindi na sumasagot at nagrereply yung customer eh ayaw na. Kinginang yan sobrang urat ko kasi during work hours pa talaga sila tatawag kahit sinabi ko na dun sa unang beses na call nila at sinagot ko na wag akong tatawagin sa work kasi busy ako.
Kaya ayan nireplyan ko na kanina na tumigil na sila kasi pati sa viber at facetime ko tumatawag at nagmemessage na.
Nakakadiri. Nakakaasiwa. Nakakagigil.