Drunk driver bumangga sa motorsiklo and ayaw makipag-settle sa hospital bills ng biktima. Ano usually nangyayari sa cases na ganto po?
Hi, gusto ko lang magkaroon ng idea ano usually nangyayari sa mga scenario na ganto: Drunk driver (car) bumangga sa motorsiklo. Ngayon, nag surrender naman sa police station yung driver but ayaw makipag-settle. Napuruhan ang biktima, bali-bali yung ribs, internal bleeding na possible ooperahan, pelvic din nabali, etc. Ang sabi lang nung drunk driver is "sige! pagsampahin niyo lang yan ng kaso!" and siya pa yung galit. Marami daw kasi connection since konsehal.
Question ko lang po is based sa mga experience niyo, usually ba sa gantong cases nababayaran yung victim sa mga nagastos esp sa hospital bills? Lalo na walang wala din yung family ng biktima financially. Nakapag-sampa naman na daw ng kaso but worried ako na habang on-going pa yung kaso, ano ipambabayad ng pamilya nung biktima sa hospital bills at iba pa.
I hope makakuha ako ng insights po. Thank you.