u/chill_daddy82

▲ 32 r/Gulong

My Experience as a new driver for 1 month so far.

Sana makatulong tong post ko sa mga may balak maging new driver.

  1. Always practice defensive driving - Sobrang daming cu-cut sayo lalo na pag feel nila na chill ride ka lang, hayaan lang at wag uminit ulo. Lalo na sa Roxas Boulevard at Road 10 na grabe harurot ng mga truck at ibang SUV. Isa rin ang EDSA, dapat alam mo ung mga left turn points na 2 lanes ang sakop para di ka mahuli.
  2. Always bantayan galaw ng mga lumang Jeep - Especially ung mga walang tailight! at nakakapagtaka na hindi nahuhuli to ng LTO. Madalas din to cu-cut bigla ng walang signal kaya, always defensive driving pag may kasabay na jeep.
  3. E-Bike and Tric - So far ok naman sila, always warning busina lang pag mag overtake and usually mga nasa gilid naman to.
  4. Motorcycle - Laging shoulder check pag liliko, biglang may mga pahabol na singit yan at laging mga nagmamadali.
  5. Wag bumabad sa OT lane sa expressway - As a new driver 70-80 lang takbo ko sa 2nd lane and bilis na bilis na ko, di ko ma imagine ung mga umaabot sa 120kph pero sa edad ko parang ok na ko sa 70-80 na takbuhan lang sa 2nd lane. If may truck sa harap mo na 60 lang takbuhan, mag overtake at bumalik din sa 2nd lane agad.
reddit.com
u/chill_daddy82 — 1 day ago