mga kupal sa barko
hi! this post is not to create hate. just need to get things off my chest.
it takes a lot of patience and strategy para makisama onboard. being a first time officer (at only female onboard), sinusubukan ko with all my mighty best na hindi pumatol sa kahit sino mang kupal, mapa-senior officer man 'yan o ratings.
hindi ko fully ma-comprehend bakit may mga taong straight up assholes lang talaga? NO OFFENSE pero insecurity ba pinagmumulan 'nun? na kaya rin ng babae makipagsabayan sa industry na 'to? hindi man fully capable physically dahil biologically, mas malakas naman talaga ang mga lalaki mostly.
honestly, depsite the openness/inclusivity sa panahong ito, nag-sstruggle pa rin ang minority ng industriyang ito. na para bang kailangan patunayan ang sarili para makakuha ng respeto?
'di rin naman ako magugulat kasi kahit nga lalaki sa lalaki nagkukupalan din onboard. ratings na kupal sa kapwa ratings, ratings na kupal sa opsiyal, opisyal na kupal sa opisyal, opisyal na kupal sa ratings, kupal na kupal lang talaga kasi kupal siya! ibang anggulo lang talaga pag babae ka. pag masyado kang nakikisama, gagawan ka ng issue pero kapag medyo strikto at kaya mo ipaglaban ang sarili mo, gagawin kang maldita! hahah..
sa lahat ng kupal, magbago na kayo! hindi ikinataas ng ranggo at sweldo niyo 'yang ugali niyong bugok. 😄