No JO, No contract
I cant tell the industry kasi medyo maliit lang and feel ko mahahalata na ako to hahaha
Na-turn down ko naman na itong job na to pero gusto ko lang marinig yung thoughts if tama ba desisyon ko hahahaha
This happened last month. Around 12 am, nagreply sila sa email ko na may interview ako the next day. Yup, 12 am. I went there sa company and they hired me on the spot. Based sa skills ko and forte, pasok na pasok din sa kanila yung ginagawa ko. Parang kind of formality lang yung interview which is kind of too good to be true. I told them anong asking salary ko, they negotiated, tapos we agreed sa price. I was asking them ng official JO man lang para makita, pero wala pa raw. Pero gusto na nila akong papirmahin ng "contract" na again, hindi pa nila pinapakita. On that same day din. Sabi ko, pag-isipan ko muna.
After 2 days, I accepted the offer. I said na mag-sstart ako after 3 weeks (kasi I have planned vacation), and they said yes. But still no JO.
Tumagal ng 2 weeks and I was expecting na at least, ia-add ako sa gc nila or orientation man lang anong system nila, but still ... nothing. Sabi nila sa actual date daw ng balik ko sa office, pipirma na ako ng "contract".
Fast forward, bumalik na ako from vacation. Pumunta ako sa company nila thinking na pipirma lang ako ng contract. Pero pinaupo ako along with other bosses and ino-observe ko sila to work. Yung kausap ko during interview, narinig ko na sinabi nha sa other boss na sinadya niyang hindi ako i-add sa gc muna kasi may mga away daw. And no'ng inadd ko, marami ngang away. Narinig ko rin na sinigawan yung isang magiging kasama ko sa position. After 3 hours, I followed up yung contract (in a nice way) pero dulo daw yun? Idk crazy.
Tapos pinapagwork na ako. Nung hindi ko forte yung pinapagawa and sobrang layo sa interview, sinabi ko na di ko forte and sinungitan ako ng boss.
I kinda felt panic attack kasi parang ang weird ng vibes and wala pa naman akong pinipirmahan. Nagsabi nalang ako na may emergency pero umalis na talaga ako.
Pinapabalik uli ako ng morning nung nag interview sa akin, discussing the role daw. Naisip ko, 3 hrs ako nandun, still NO JO and NO CONTRACT, hindi pa ba yun enough? hahaha hindi na ako bumalik
TLDR: Hired yet NO JO and NO Contract
So ... tama naman desisyon ko diba? Money-wise, lugi din pala ako pamasahe and mas narealize ko