u/adobotweets

Bakit may mga tao na hindi mabilis masiraan ng teeth?

Hi, this is just a question out of curiosity.

Context:

I grew up poor and kasama mga pinsan ko, and may mga times in the past na nasa depressive episode ako, so meaning 1x a day lang ako nakakatoothbrush tapos mabilis lang at alam mong hindi nakakalinis, netong 20s ko nalang natutunan na dapat 2 minutes yon. Minsan pag mas malala, lumilipas ang araw na hindi ako nagtutoothbrush. May mga times na pag kumakain kami ng candy, inom tubig lang ginagawa ko samantalang sila magsisipilyo. Sa toothbrush routine din namin noon, may mga oras na MIA ako. Sila consistent and matagal sila magtoothbrush.

Ngayon, pansin ko mas madami silang cases na bulok na ngipin at minsan nagiging usapan namin na sungki ang ngipin ko noon pero ako ang hindi nasiraan ng ngipin compared sa kanila na maganda ang tubo pero nagkakaissue sa molar. Nagsimula agad ang dental issues na yun nung pre-teens kami, at nung 20s na kami at afford na namin ang dentist, may mga pinsan pa ako na kelangan ng root canal, pasta, o kaya bunot ng bulok na molars.

Sa akin naman, impacted wisdom teeth lang ang naging issue ko.

Bakit po kaya ganun? Is it the diet? Vices? This is a genuine question.

reddit.com
u/adobotweets — 13 hours ago