Paalam, science work
I posted here months ago about sa hindi pagpapasahod sa aming mga COS workers. Nagkaron ng ilang meetings noon para i-raise ang issues at sabihin na hindi makatarungan na hindi kami pasahurin dahil lang naka-wfh ang mga pipirma o hindi nila nagawa ang mga kontrata namin.
Pero p*t* inulit na naman nila, hindi na naman kami pinasahod. Ang mas malala, mas matagal kami walang sahod, tatlong linggo. Hindi delayed, as in zero, wala kaming sinahod. I cancelled my checkup para makabayad ng renta. Nagbawas ako ng pagkain para makabayad ng bills.
That’s my last straw. Nag-apply na ako last month sa mga private companies. After a series of interviews and exams, maha-hire na ako. May benefits – HMO with two dependents, 13th month pay, sick and vacation leaves. At ang masaya, 40% more ng current kong sahod at WFH pa.
Pero sa isang banda, malungkot akong iwan ang project ko. Masaya ako dito eh, mapapakinabangan yung project namin. Masaya ako sa research, masaya ako sa science work. Kaso hindi naman ako mapapakain ng saya. Hindi rin pwede ibayad sa renta. At higit sa lahat, nakakabastos sa sarili ang mag-stay sa isang agency na ang baba ng tingin sa COS, na parang hindi namin deserve ng respeto. Laging ang bagal gumalaw pag sahod naming COS ang nakasalalay. Nakakahiya naman sa kanila kahit kami ang gumagawa ng halos lahat ng outputs ng agency.
Bukod sa systemic na ang problema, problema rin mismo ang mga nakaupo sa admin. Kaya walang matinong science progress dito sa Pilipinas dahil sa inyong mga tamad na power tripper sa gobyerno! Igalang nyo naman mga COS science workers nyo!
Ito na ang huli kong science work na gagawin para gobyerno. Science for the people at the expense of COS’ basic living needs.
Goodbye, science work.