u/Substantial-Web404

Hello.
Yung sister ng bff (sis-bff) ko nag ka-cancer. For a while, through donations and insurance kaya nila yung pag papagamot. Pero nung lumala yung cancer nag likom sila ng pera para mapgamot sya pati fund raising events at donations in person at gofundme.

For context they are middle class, makes quite a lot from what I heard as a senior IT professional. Yung asawa ni sis-bff makes enough but treatment costs are obviously too much. They own a house, a car even with 3 kids and she's a full time mom.

At first I was donating small amounts just to help but eventually they started asking for loans.
Hindi talaga ako nagpapautang kasi wala naman kusang loob nag babalik at nahihiya at nahihirapan ako maningil. Pero since lumala yung cancer nya and medyo close ako sa family ng bff ko at nag promise naman na ibabalik sakin, pinautang ko.
Tsaka alam ko din ang pakiramdam ng may cancer sa pamilya.

Before matapos ang treatment ni sis-bff nag wedding din si sis nila. Wala ako issues dito since nag promise naman na magbabayad and baka celebration na din nila na tapos na yung treatment, di ko lang ma-gets yung gastos na pwede sanang inilaan sa pag papagamot.

Pero lumala pa din yung cancer paglipas ng ilang buwan, hanggang sa hindi na nya kinaya. Sabi ng bff ko na before namatay si sis-bff nya, nag bilin sa asawa ng mga bagay bagay, including bayaran ang mga utang.
Ngayon, more than 3 years na nakalipas. Hindi ako naningil for a while kasi feeling ko nag luluksa pa sila.

Now, looks like nakamove on na family nila. may bagong misis na yung asawa ni sis-bff at with big wedding. sis-bff husband ay mag negosyo, brand new pickup car, private school kids, at looks like expensive hobbies based sa nakikita ko sa facebook.

Bff also is doing well. Bakasyon to different places at may 2 properties na din sila.

Genuinely happy for them pero minsan napapaisip ako kung nakalimutan na yung bilin ni sis-bff. So ABYG kung maniningil pa ako dahil nga wala na si sis-bff. Pero alam ko naman na afford nila mag bayad.

Naguguilty ako kung maniningil ako kasi lalo na wala na si sis-bff, pero pera ko naman yun at nagpromise sila na ibabalik.

reddit.com
u/Substantial-Web404 — 10 days ago