u/Short_Interaction892

feeling down

sobrang down na down ako ngayon sa sarili ko kasi andami kong tanong sa senior ko, di ko alam pero hirap ako mag-adapt kasi fast-pacing talaga sa work ko.

nakaka-down magkamali, feel ko sobrang baba ng tingin nila sa'kin. cum laude ako pero parang di ko naproprove yung title ko kasi nagkakamali ako, if di ko alam saang coa ibabangga ang entry, nagtatanong ako. kasi kung magrerely lang ako sa sarili ko, for sure, di tama ang ginagawa ko.

3 weeks pa lang ako sa work, sobrang busy, siguro month-end? lagi akong ot pero paid naman, iniisip ko kung lagi na lang ba ako ganito? nagkakamali, always nagtatanong, always naliito, naguguluhan, and pressured.

minsan naisip ko kung para sa'kin ba itong accounting field kasi ngayon pa lang na nagsisimula ako, bakit wala akong alam? normal ba ito? napaka-uncompetitive ko sa work. nadidismaya na ako sa sarili ko. sobrang bigat sa pakiramdam ang maging baguhan. natatakot na ako sa future ko, kasi feel ko if di ko alam ang ginagawa ko ngayon pa lang, baka magtuloy-tuloy siya.

reddit.com
u/Short_Interaction892 — 22 hours ago