
u/SeaweedBrain_0711

I need your help/suggestion on how to proceed with this
APRIL 15, 2026: I was scammed here sa reddit for an online purchase amounting PHP4,475 from my gotyme account to his shopeepay. So, pinost ko yung QR na ginamit ng scammer dito sa subreddit na to (1st pic), then may nagcomment na ang lumabas na name ay Mark Joseph (2nd pic). Still can't decode the full name and his number.
Tapos may nagmessage sakin, claiming na siya daw yung may ari nung shopeepay account and he requested na i-take down yung post dahil sa kanya daw yon at kaya niya kong tulungan maibalik yung pera ko. Na-hack daw yung shopeepay account niya at may nag-notif na may pumasok na pera. Nagreport daw siya sa shopee at sucessfully na na-retrieve yung account niya.
Now here's the exciting part, hindi daw niya ma-withdraw or ma-transfer yung pera at pwede lang gamitin for purchases. I think hindi verified yung account niya. Kaya nagsuggest siya na gumamit ng ibang way daw para maibalik yung pera ko. He'll keep the money nalang daw na nasa shopee niya and he'll send my money through Wise. I said wala akong account doon, pero he suggested na i-send sa same gotyme account ko from his Wise account. But the tricky part is, 5k daw ang minimum payout sa Wise so sabi niya na isend ko pabalik sa kanya yung sobra sa gcash niya. I agreed naman.
Here's the problem: na process na daw niya at papunta na daw sa gotyme ko. So sabi ko, sige po wait nalang natin pumasok sa account ko para maibalik ko yung sobra sa kanya. Nanghingi pa ko ng gcash info niya para once na ma-receive ko na, isesend ko agad sa kanya. Pero nagsend ulit siya ng screenshot from Wise na kinabukasan (today) pa daw papasok yung money sakin kasi new destination din yung transaction. Ang siste, processing na daw sakin kaya ibalik ko na yung sukli sa kanya. I keep saying na wala pa nga sa end ko yung pera, how come ibabalik ko na agad sa kanya yung 500+ na pera niya?
Then he started getting impatient at isend ko na sa kanya yung 500. Maayos akong nag eexplain na paano ko ibabalik sa kanya yung perang wala pa sakin. Sinabihan pang ako daw yung may trust issues kahit nagsend naman na daw siya ng proof and all. Hanggang sa binigyan pa ko ng deadline na by 6PM if di ko pa daw isesend yung 500, ika-cancel niya yung Wise transaction. Nagsend pa siya ng Company ID niya pero his name in there is not Mark Joseph, it's Matthew Joseph.
Until pumatak yung 6PM, kumontak na daw siya sa WIse support at na-cancel na daw. Now, maayos pa kong nakikipag negotiate na tulungan siya ayusin yung sa shopee. Willing ako makipag meet up and everything pero he's too narrow-minded para paliwanagan pa. Hanggang sa nag goodbye and all na siya, so sinabi ko na ganon lang yon sa kanya na pera ko? Then he stopped being cooperative na.
Now, I need your insights on what to do with this kind of situation. If he really is who he is, what actions should I take to make him cooperate? If this is still some kind of scheme again and fake din yung sinend niyang ID dahil mismatch sa shopee account niya, what would be the next step?
You can read all of our conversation, I have nothing to hide. I know he's here and he can say his side whenever he likes.