u/OverallSorbet3609

Ano ang unwritten rules sa pagpapasukli sa hatian ng lupa

Hi, hahatiin yung lupa ng lola ko between sa papa ko at mga kapatid nya, tatlo sila. Yung tita ko, mag-oopt out na at ibebenta samin yung part ng hati nya so yung hati ng lupa is sa papa ko (samen) at sa isang sibling nya.

Ngayon, yung para sa bayad sa lupa puro sya gamit ng term na "pasuklian" para sa bayad dun sa ibebenta nyang part samen. Bilang kaming mga anak yung magbabayad, ang idea ko is "sukli" ibig sabihin may discount(?) yung price na hihingiin samen. Based sa BIR Zonal value P6500/sqm lang yung price sa street namin, ngayon nung tinatanong ko ng amount na ineexpect nyang "sukli" samen, sabi nya P12,500/sqm tapos dagdagan na lang daw kung pwede.

Normal lang ba yung ganyan na "sukli" in terms ng lupa? Tuwing naguusap kami iniiwasan ko yung term na yan kase naiinis ako, "bayad" yung ginagamit ko. Parang pasalamat pa kame kase may "discount" yung price na "pinapasuklian" nila

reddit.com
u/OverallSorbet3609 — 1 day ago