Para wala na sigurong "hulaan" kung saan napupunta ang pera natin
Bilang isang maliit na negosyante na seryoso sa pagbabayad ng tax buwan buwan, aminado ako na nakakapanghinayang minsan kapag hindi mo makita kung saan ba talaga napupunta 'yung pinaghirapan mong kitain. Kaya nung nabalitaan ko na pasado na 'yung FOI Bill, medyo gumaan ang loob ko.
Pakiramdam ko, sa wakas, may mas malinaw na tayong paraan para makita ang mga public records nang hindi na kailangang magmakaawa sa mga opisina.
Hindi ako maka-DDS pero totoo naman yung sinabi ni Senator Bong Go na mas lalakas ang tiwala ng tao kapag bukas at malinaw ang pamamahala. Sa totoo lang, kahit sino pa ang nag-author niyan, ang mahalaga sa akin ay 'yung mismong transparency. Nakakapagod na kasi 'yung puro tayo duda o "sabi-sabi" lang ang naririnig natin tungkol sa mga proyekto ng gobyerno.
Kung tuluyan itong maging batas, malaking panalo ito para sa ating mga ordinaryong mamamayan. Mas madali na nating mababantayan kung tama ba ang paggamit sa pondo ng bayan. Karapatan naman natin ang maging informed, lalo na't tayo naman ang nagpapatakbo sa ekonomiya. Sana talaga ay maging simula ito ng mas responsableng serbisyo publiko para sa lahat.