Aral ni Soriano na indikasyon na talagang kulto ang MCGI/ADD
Pinapanood ko itong documentary series about sa FLDS sa Netflix. Narealize ko na isa pang common denominator sa mga kulto ay yung total control ng leader ultimo sa takbo ng pag-iisip ng mga member.
Naalala ko around 2003-2005, mayroong worship service noon kung saan inemphasize ni Eli Soriano na kahit "akala" lang ng member ay dapat in line sa thoughts ng leader ng iglesia, sa thoughts nya. *Alam kong natatandaan ito ng mga matatandang myembro, lalo na yung naging devoted talaga.)
Kahit mga preference niya dapat kasang ayun dun ang myembro. Meron pa nga siyang binigay na example yung kinaiinisan daw nyang seminarista na nagsusuot ng eyeglasses na wala namang grado. May gigil nga e.
Batayan niya yung sa 2 Timoteo 3:10 ng Ang Dating Biblia:
"Nguni't sinunod mo ang aking aral, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,"
Kung talagang tapat si Soriano sa pangangaral niya, bakit hindi niya binangga sa ibang translation yung verse gaya ng ginagawa niya sa iba? Para lang siyang iglesia ni manalo na pinipili lang yung translation na aayon sa gusto nyang punto na papabor sa kanya.
Sa ibang mga translation kasi, at karamihan sa mga ito, hindi "akala" ang translation kundi "layunin".
Kahit sa King James translation, na itinuturing ni Soriano na reliable na salin ang nakalagay
"But thou hast fully known my doctrine, manner of life, purpose, faith, longsuffering, charity, patience,"
Kaya talagang it's all about brainwashing at scamming talaga yang samahan na yan. Thank God at naka-exit na ako. And I'm praying na marami pa ang magising.