u/Organic-Hovercraft83

Don’t post sa iba

Nangutang yung highschool classmate ko ng 5,000 kasi daw may sakit yung nanay nya. Nagbigay naman kami ng pera kasi naaawa naman kami, kahit na hindi naman kami close. 2 months later, nagmessage sya na gipit daw sya kaya di daw muna nya mababayaran yung kanyang utang, and we didn’t mind it naman. A month later, nangungutang ulit sya , pero since di nya pa nababayaran yung utang nya before, di ako nagbigay ng pera pa. Kasi di nya nga mabayaran yung utan nya before tapos dadagdagan pa? 5 months since nangutang sya, nangamusta ako s mommy nya and sabi nya baka next month daw mabayaran na nya daw ako.

Don’t post sa iba

Dumating na ang susunod na buwan nag ask ako sa kanya if kelan nya mababayaran yung utang nya. Hindi sya nagrereply. Hanggang sa umabot na ng 10 months utang nya tapos hindi pa rin sya nagpaparamdam. Sa mga panahon na ito medyo na addict ako sa ML, nag roll ako ng nagroll ako pra sa exorcist skin ni Kagura at di ko namalayan 5k na pala yung nagastos ko. Walang wala akong pera kasi nagaaral pa ako and umaasa lang ako sa baon na bigay ng nanay ko at sa onti kong ipon nung natrabaho ako before, kaya namutla talaga ako kasi ang laki na pala ng nagastos ko.

Don’t post sa iba

Naalala ko yung utang nya na di binabayaran. Message ako ng message sa kanya pero wala talaga syang reply pero nakikita ko sya madalas din naglalaro ng ML. Sa sobrang inis ko, inistalk ko sya sa FB hanggang sa nakita ko kung sino tatay nya. Nagmessage ako sa tatay nya, at buti naman nagreply, Nagsabi ako na nangutang yung anak Nya, at nagsend din ako screenshots ng messeges namin anak nya. Mukhang mabait naman yung tatay at binayaran nya yung 5k na utang ng anak nya. Medyo naguilty ako kasi kailangan kong maningil sa tatay nya dahil naubos ko pera sa ML pero pera ko pa rin kasi yung inutang nya. ABYG dahil siningil ko tatay nya?

reddit.com
u/Organic-Hovercraft83 — 7 days ago