u/Ok-Reputation8379

Cheating allegations laban sa CSJDM campus journalists

Sa isang Facebook post, inakusahan ng pandaraya ang representatives ng City of San Jose del Monte sa Regional Schools Press Conference. Ang mga campus journalists ng nasabing lungsod ang kinatawan ng Bulacan sa Collaborative Desktop Publishing (Secondary Schools).

Ayon sa post, ginaya ng CSJDM ang lahok ng Division of Tarlac noong nakaraang taon. Kita sa mga nakalakip na larawan ang pagkakapareho ng layout, design, at presentation na ikinagalit ng mga taga-Tarlac. Ang tanging pagkakaiba ay sa English category lumahok ang Tarlac noong 2025 samantalang Filipino category naman ang sinalihan ng CSJDM.

Sa katatapos lamang na National Schools Press Conference, nanalo ang CSJDM, bilang kinatawan ng Region III, as fifth placer sa Collaborative Desktop Publishing category.

u/Ok-Reputation8379 — 3 days ago

Newly-painted Pulilan Carabao Statue

Bilang panghahanda sa nalalapit na Kneeling Carabao Festival at Mandala International Art Festival, binigyan ng bagong kulay ang pamosong Kneeling Carabao Statue na matatagpuan sa pamilihang bayan ng Pulilan.

Bagamat marami ang natuwa, may mga bumatikos din sa nasabing proyekto. May mga nagkomento na tila nasobrahan ang pagiging makulay ng estatwa sa halip na maging repleksiyon ng mga kalabaw na isinasali sa taunang Kneeling Carabao Festival.

u/Ok-Reputation8379 — 4 days ago