
▲ 28 r/adultingph
Saw my sister's heart react about a good provider husband
Hindi ko lang mapigilang mapatawa at mapataas ng kilay nung nakita ko ang heart react ng kapatid kong babae dito.
Why?
Live-in sila ng boyfriend niya sa bahay. Sila ang naka-aircon at nakasagap lang ako sa kwarto nila gamit ang exhaust fan. Bills? 50-50 kami ng kapatid ko. Sobrang sama ng loob ko na may free loader kaming kasama.
Ni hindi man lang makaisip na mag-share sa food (na nakikikain din sya), or magshare man lang sa pambayad ng kuryente (na umaabot kami ng 8k na 50-50 kami ng kapatid ko wtf, sila pinaka nakikinabang tapos 50-50 sa lahat ng bills)
Nakakapagod na.
Kahit 'yong pagtatype ko ng rant tungkol sa kanilang dalawa, pagod na ako.
Basta makaalis ako within 2yrs, mapapayapa na ako.
u/More-Tangerine-1184 — 22 hours ago