freshie life
sobrang boring ng freshie year ko. mabilis kalimutan, walang memorable experience, walang “naalala ko noong freshie year tayo, ganito ganiyan” sa future.
ang hirap kapag wala ka pa ring gaanong friends sa block ninyo. i mean, may nakakausap, may nakakasama, pero not totally “friends” na makasasama mo sa galaan, makakakuwentuhan kahit hindi about acads, yung masasabi mong school friends lang talaga sila. and sobrang bilis maubos ng social batt ko tuwing kasama sila. siguro kasi parang pilit yung pag-uusap namin & hindi ko nalalabas yung kung ano ako. parang ina-adjust ko yung personality ko based sa kanila para lang makasabay ako sa kanila ganoon hahahaha
nahihirapan ako mag-adjust. hindi lang dahil sa program ko kundi pati na rin sa pakikisalamuha ko. patapos na yung school year pero hirap na hirap pa rin ako makipagfriends sa mga blockmates ko. ang bigat niya sa feeling. minsan pag tinitignan ko mga blockmates ko na may kaniya-kaniyang cof, hindi ko maiwasang mainggit kasi gusto ko rin ng ganong friends na kavibes mo, nakakasama sa kuwentuhan about life & outside acads.
how to make friends? :(