I rarely post stuff like this pero gusto ko lang talaga siya ilabas.
Ayoko na problemahin yung away nyong dalawa. Bakit ko kailangan maipit sa problema nyo mag asawa.
Ganto kasi nangyari.
Nung December, sabi ng nanay ko nahuli niya na naman tatay kong may kausap na iba. Nung January lumayas na tatay ko. Blinock niya nanay ko. Wala na siya contact sa kanya, ako na lang meron. Sabi niya manghingi raw ako ng allowance sa kanya.
Sabi naman ng tatay ko, huling usap nila sabi niya may bago na raw nanay ko.
Ngayon kinukulit ako ng nanay ko kasi gusto niya kausapin tatay ko. Gusto niya tawagan ko. Sinabi ko naman yon sa tatay ko pero ayaw na rin niya kausapin nanay ko kasi may bago na raw kaming tatay. Ngayon naman, nagagalit sa kin nanay ko kasi parang gusto niya ako yung tumawag para kausapin yung tatay ko.
Pagod na ako. Di ko na alam gagawin. Hindi na maganda lagay ng mental state ko gawa nito tas dagdag pa pressure sa acads dahil graduating na ako. Sunod sunod exams ko next week pero wala akong gana magreview.