
First time ko mag mrt kasi from cebu ako. Grabe pala dito sa manila yung tipong kahit marami tao at maliwanag may magnanakaw pa rin. Kaya ingat kayo may kasabwat pa ito kasi nung papasok kami sa train may bigla tumulak sa akin ng malakas kaya bigla ako napa check sa bulsa ko buti at naramdaman ko nawawala ang phone ko at dali agad ako sumigaw na “ nawawala ang phone ko may nagnakaw” buti naman may mga malasakit mga ibang pasahero na triny tawagan agad phone ko at nag ring ito at tinuro ng mga pasahero saan banda yung tunog at bigla nahulog sa pantalon ng magnanakaw yung phone ko kaya dali ko siyang sinapak at dinakip ng coastguard. Nakaka trauma na mag train iba pala talaga dito madaming mga modus! Buti na recover ang phone ko at next time magdodoble ingat na ako. 4th time niya btw na huli at may record na pero di nakukulog kasi walang nagkakaso buti at madami akong time para ipakulong tong hayop na ito. Sana maban na sila sa MRT AT LRT!