Process of Exit FEU Nrmf Med Program
Hi!
Noong pumasok ako sa institusyon na ito kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na ito ang kahihinatnan ko—again, walang ibang dapat sisihin sa puntong ito bukod sa sarili ko. Naging lenient ang mga professor sa bawat department, ginawa nila ang lahat para mabigyang daan at makapasa ang bawat isa (cbl reports, manuals, layed, SGD's, ratio scores, cerebro quiz, at may grade consult etc) sadyang ako bilang estudyante ang naging problema. Apat na malalaking subject ang aking naibagsak, dead-end na ito para sa akin. Hindi ko lang alam ngayon kung saan at paano ako mag sisimula muli. Walang katumbas na lungkot ang nararamdaman ko ngayon, parang ako na ata ang pinaka malungkot at isang tanga ngayon sa mundo. Hindi naman doktor ang aking mga magulang para sa "connections" na sinasabi ng iba. Buong buhay ko ngayon lang ako naka tanggap ng ganitong pagka-bagsak. Sobrang sakit na tuluyan nang nag-sara ang pintuan ng medisina para sa akin, pero baka nga mula umpisa ay ako lang ang nag pilit na tahakin ang landas na ito. Paulit ulit lumalabas sa bibig ko ang mga salitang "hindi ko alam" kasi sa totoo lang hindi ko na talaga alam. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa.
Bukod sa tanggapin ang sitwasyon, ano pa ba ang kailangan ko gawin? Gusto ko manatili sa institusyon, kahit ulitin ang mga subject naibagsak pero alam ko naman na malabo na itong mangyari. Ano ba ang mga hakbang na kailangan ko gawin sa pag-alis?