u/Lazarus_of_Hell

I shouldn't have done it, pero out of curiosity ginawa ko padin. Dun ako bumili ng gamot malapit sa dating condo namin ng ex ko, after ko bumili ng gamot nag lakad lakad ng konti para I check ang surrounding, may mga bagong tindahan, meron parin din naman mga lumang tindahan. Nagulat ako na makita giniba na pala half ng condo, may board-up na. Sinilip ko sa kabilang side meron pa pala yung kabilang side iniba lang nila entrance.

Bago ako sumakay ng move it, tinanaw ko yung dating unit natin. Walang nakatira tinagal na din aircon at wala ka na pala dun pati mga alaga natin for sure dala mo. Sabi ko sa sarili ko hindi ako mag eexpect expect at kung ano man na emosyon. Hindi naman ako naluha, nalungkot lang.

After ko umuwi di ko napigilan stalk ka, alam ko nasa mabuti ka ng kalagayan. Sana maayos na lahat sayo. Pasensya ka na sinira kita at lahat. Sana natutunan mo ko patawarin, kasi ako hindi ko pa alam kung paano ko patatawarin sarili ko.

reddit.com
u/Lazarus_of_Hell — 1 month ago