How to deal with missing your mom?
As a first time mom to a 6 month old velcro baby boy, super thankful po ako dahil simula sa start ng pregnancy journey ko until now, super alaga parin ako ni mama. Lahat ng prenatal check ups ko, lahat ng nesting shopping ko, hanggang sa newborn stage at breastfeeding journey ko ay kasama ko siya.
Nakabukod naman na sana kami ni husband 2 months after our wedding, tapos nung may job offer (destino ng project ay super malayo sa amin - 2 islands away) sa husband ko, naiwan ako sa bahay ng parents ko kasi we found out I was 6 weeks pregnant at the time.
Hindi na ako sumama kasi wala hospital na malaki sa probinsya kung saan ma de-destino si husband at ginusto namin na sa hometown namin ako manganak at may kasama pa ako palagi since andoon nga ang parents ko.
Malaki kasi ang sahod kaya kinuha ni husband kahit malayo siya.
Now, since baby is 6 months old, sumunod na kami kay husband para maging buo na kami at hindi lumayo ang loob ni baby sa kanya since he is starting to recognize people na.
Pero hindi ko maiwasan ma miss ng sobra si mama. Ever since naman kasi, close na talaga kami at baby nya ako. Nung nabuntis ako, mas nag grow yung bond namin at na attach na din sila ng papa ko sa apo nila.
Ang hirap pala malayo sa parents, masakit sa dibdib. Pero at the same time ayaw ko din malayo sa husband ko kasi nakakaawa din sya.
I know we are married na so dapat priority na namin yung family na binuo namin. Pero paano ba maka cope sa sobrang pagka miss sa mama ko? Sa tuwing inaalagaan ko ang anak ko, hindi mawala sa isip ko na ganito din ako inalagaan ng mama ko noon. Kaya palagi ako naiiyak. Super OA ako pakinggan, pero sana may makapagbigay ng tips.