help me decide which school
Hello po! I'm planning to take Nursing sa ICCT since ito lang po 'yung school na private but affordable ang tuition. Hindi po kasi ako nakapasa sa state U na in-applyan ko, 'yun na lang po sana ang inaasahan ng parents ko. I graduated Senior High School with High Honors po, STEM strand. Pero feel ko I'm left behind sa mga ka-batch ko na secured na sa school nila.
Ayaw po akong payagan ng parents ko na mag-gap year since sayang daw po. Nababahala naman po ako if magpo-pursue ako ng Nursing sa private school since single-income household po kami at hindi po kataasan ang sahod. Kahit po scholar ako, feel ko hindi pa rin po 'yun sapat since magastos nga po ang Nursing.
Gusto ko po sana na kahit paano mabawasan ang gastos ng parents ko sa tuition, and nakita ko po itong ICCT. Medyo hesitant pa po ako pero no choice na talaga.
Ask ko lang po if may mga graduates na ba from ICCT Nursing na nakapasa sa boards and naka-work abroad? Totoo po bang mahirap mag-aral sa ICCT, lalo na sa pagkuha ng diploma? And quality naman po ba ang teaching ng ICCT sa Nursing? May enough hospital exposure po ba and such?
Salamat po!