u/JayCyJayson

▲ 1 r/OFWs

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral mula sa College of Computer Studies na kasalukuyang nagsasagawa ng aming capstone project na may titulong "OFW Family Support Service Platform". Ang layunin po ng aming pag-aaral ay makabuo ng isang web application na tutulong upang mas mapabuti at maorganisa ang pagpapadala ng tulong o suporta para sa mga pamilya ng ating mga bagong bayani.

Humihingi po kami ng inyong kaunting oras upang sagutan ang aming online survey.

Sino po ang maaaring sumagot?

Mga kasalukuyan o dating OFW

Pamilya ng OFW (asawa, anak, magulang, atbp.)

Kamag-anak ng isang OFW

Paalala: Maaari po kayong sumagot kahit kayo ay nakagamit na o hindi pa nakakagamit ng serbisyo ng Atikha. Makakaasa po kayo na ang lahat ng inyong mga sagot ay pananatilihing kumpidensyal at gagamitin lamang bilang pangunahing basehan ng datos para sa aming pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong paborableng pagtugon at paglalaan ng oras! Malaking tulong po ito upang mapabuti namin ang aming sistema at makumpleto ang aming academic requirement.

u/JayCyJayson — 18 days ago