Grabe. Nakakadisappoint yung service dito. I have a laptop na alagang service center, nagupgrade ako ng Ram and deepclean pero sa service center lahat ng Acer. Covered kasi ng warranty at aftersales.
Fast forward ng March 18, nag decide ako mag padeep clean ng laptop. Walang issue just preventive lang since 2 yrs na hndi nabubuksan yung laptop. Ang concern ko lang is bumabagal pero i know naman na deep cleaning will not resolve the issue pero it might help.
Nadeepclean na si unit ang singil is 1.2k, no problem. After 1 week naririnig ko yung fan nag vvibrate akala ko baka sa nilalaro ko lang which is dota lang naman, after a week or 2, di masyado nagagamit ang laptop dahil holiday so nasa galaan. Then naging unbearable na yung noise.
So nag inquire ako dito ulit ke TechnoBlitz, unang bungad palng di daw nila gagalawin yung unit tapos sinasabi na madumi daw. Napawtf ako, panong dudumi kung nadeep clean? Tapos nag upsell pa sakin ng fan 1.3k, ni walang ka aftersales - aftersales nakipagtalo pa sakin ni hindi chineck or nireevaluate for recleaning baka di nakabit ng tama or worst yung buga ng compressor air nila nagcause ng clogging sa unit.
Pero wala talaga, buti sana kung tig 500 yung deep cleaning, kaso 1.2k yun, ni hindi chineck. Makikipagtalo pa sa customer, icclaim na baka sa labas gingamit. Kaya nag accumulate ng dumi, ni hindi nga ngagamit yung laptop halos after cleaning. Mas maiintindihan ko pa kung nag effort sila icheck mabuti yung unit bago nagclaim na possible reason for the fan to breakdown.
Ni hindi ako nag aask ng refund, ang gusto ko lang kahit irreclean or i-recheck nila. Ang ginawa nila, "ah madumi ung fan, di na gagalawin kasi motor issue, may fan kami need back order 1.3k libre kabit" wtf
Pangit talaga mga shop na ganitong walang aftersales. Ang mahal pa ng services. Reco nga kayo shop na maganda services.