2 weeks ago, nagstart na ko maOD sa mga OLAs ko. Una super lugmok, di makakain, di makatulog ng maayos, lutang ung isip. In short di magfunction ng tama. I almost did something na buti di ko ginawa. Inisip ko may insurance naman ako baka pwede na yun sa anak ko. Pero I spoke with the right people with the same situation. Di ko kasi maopen sa family ko. Ayaw ko madamay sila and also ayoko makita na disappointed sila. Then unti unti I realized bat ko iiwan ang anak ko dahil lang sa utang. Bakit kelangan mag suffer ng anak ko dahil sa OD ko. Narealize ko mas mahalaga ako sa anak ko kesa sa insurance na maiiwan ko sa knya. Then unti unti nicompose ko sarili ko, mindset ko ngayon if di kayang bayaran wag muna bayaran. Mas kelangan ng anak ko yung sahod ko. Di naman ikakalugi ng lenders if di ako makabayad sa knila. Kesa magresort ulet ako sa tapal system. Mas gugustuhin ko na maOD silang lahat na OLA. Priority ko anak ko and mabayaran yung personal loan and CCs sa banks. May nabasa ako dito sa reddit not all OLAs eh nagsusubmit ng report sa CIC. And wala naman din akong pake ngayon sa credit score. Importante may nakakain ang anak ko and pangtherapy niya. I am not afraid ma home visit or sa small claims. Home visit kasi wla naman silang magagawa if wala kang pambayad. Sa small claims nman, i doubt umabot sila dun kasi mas malaki gastusin nila sa attorney's fees kesa utang ko and mas may chance pa na mabawasan ng judge ng penalties and other fees ung naloan ko and longer repayment terms pa depende sa kakayahan mo. Di sa utang dapat umikot mundo naten. Mas marami pang importante kesa ilugmok naten ung sarili naten dahil sa ODs.
u/IllDeparture4183
u/IllDeparture4183 — 16 days ago