Hello, I just need to get this off my chest. I’m tired of everything and it feels heavy all the time.
As days go by, pakiramdam ko palala nang palala yung mental health ko. Parang unti-unti akong nawawala sa sarili ko. Napapansin ko rin na nadadamay na yung mga tao (classmates and friends) sa paligid ko kung paano ako makisalamuha at kung paano ako mag-react. Minsan iritable ako, minsan wala lang akong gana, minsan parang wala akong energy makipag-usap.
Nakakapagod, bilang isang academic achiever, lalo na kasi naaapektuhan na rin yung academic life ko. Yung quality ng mga sinusubmit kong requirements hindi na tulad ng dati. Alam kong kaya ko naman gumawa nang maayos, pero wala akong energy para ibigay yung best ko.
Dagdag pa, naiisip ko rin na baka jinajudge na nila ako dahil hindi na ako yung dating ako. Kahit wala naman silang sinasabi, pakiramdam ko napapansin nila lahat ng pagbabago.
Nakakapagod kasi hindi na ako yung dating ako. Gusto kong bumalik sa dati, pero hindi ko alam kung paano. Ang gulo lang talaga ng lahat sa isip ko ngayon.