u/Hefty_Bumblebee_0913

pls dont post sa other socmed. hindi ko alam kung rant ba to or I just want to vent out lang.. or the same?? mga mommy paano ba to? multiple times my inlaws tend to compare my family vs the family of my brother inlaw.. like bakettt?? totally different naman kami pero bakit kailangan pa nila ibbrought out pa yun. for context very old fashioned ng inlaws ko. sila yung type na all knowing and parang sila lang lagi ang tama. ang daming pinupuna. to be fair, very grateful naman ako dahil super helpful din nila samin sa everyday lives namin kasi nakakapag alaga ng mga apo at nakakatulong ko sa gawain bahay. and mababait namn sila and ramdam naman namin yung support nila sa starting family namin..peroooo

ang hilig nila icompare yung anak ko sa anak nung kabila. kesyo si ganyan makinis si ganyan maputi si ganyan never nakagat ng lamok si ganyan lagi alaga ng ina nya... basta dami comment everytime may chance magcomment likeeee??!!! urghhh. . nakkafrustrate mga kamommy!! una, mas well-off sila bro inlaw and lahat ng luho nila kaya nila iaccomodate.. eh kami starting lang ulit to
build funds since kakatapos lang namin magpagawa ng bahay at madami utang na bayarin.

kaya nung narinig ko na may comment yung inlaw ko na "pwede naman daw ako magabsent pag may sakit anak ko, bkt parang need na need ko ng pera para hnd magabsent sa work para alagaan nalang anak ko eh nakkapagpautang nga daw ako sa iba" .. nakakapika lang kasi hnd nila alam sitwasyon namin .

meron naman kami katulong para makapag alaga sa anak ko na may sakit and from time to time namomonitor ko kht nasa work ako. madami kami bayarin na kht malaki kinikita ng asawa ko eh sapat lang para pang bayad ng mga bills, groceries and sweldo ng katulong namin. hnd naman ako hingi ng hingi sa asawa ko ng kung anu ano. kung ano lang ang bigay nya sakin yun lang tlga. minsan lang ako magrequest sa kanya as in hnd ako maluho. kaya nung may chance na magkawork ako ulit nigrab ko na. kasi kahit papaano makakatulong ako sa bills and kahit papaano magkakabudget ako para sa sarili ko at para sa mga anak ko.

nakakaiyak nakkafrustrate nakakapika!! hayyy nakuuu napahaba na to post ko.. sorry po. salamat sa pagbabasa🥲

reddit.com
u/Hefty_Bumblebee_0913 — 6 days ago