Ano yung “nagtatahi ng basurahan”? Legit bang trabaho yun?
May napapadaan kasi dito samin every month or so, tapos nagtatanong kung “magpapatahi ng basurahan” daw ba kami. Curious lang ako kung legit bang trabaho/service yun o modus ba.
Yung basurahan namin kasi yung common na gawa sa recycled na gulong, yun yung normal dito. Wala naman siyang sira o punit, kaya nung una akala ko baka mag papagawa ng bago or repair service talaga. Pero tinuro lang niya yung basurahan tapos sabi ipapatahi raw.
Doon ako nagtaka kasi, ano ba yung tinatahi sa basurahan? 😅 Wala naman tela yun or anything. Nung tinanong ko nag bike nalang paalis. May naka-encounter na rin ba ng ganito? Actual hanapbuhay ba talaga siya or possible scam/lang panghingi ng pera? Pinost ko lang dito para malaman kung may iba ring nakaexperience. Kung modus man, at least aware yung iba. Thanks!