u/Haunting-Branch8669

AWOL/ Immediate leave

Nagpaalam ako sa TL ko to resign. 2 weeks prior mg resignation end date ko nag lalong lumala hika ko. Hindi ako pinayagan. Nag sick leave ako, 7 days unfit to work binigay sa akin ng doctor, ngayon kukuha ako ng fit to work, walang binigay na fit to work yung doctor naka indicate lang don is avoid trigger.

Simula kase nung lumipat kami ng office from Taguig to Parañaque halos 1 hour na biyahe araw-araw papunta and pabalik, napansin kong mas napapadalas yung asthma ko. Dati nadadaan pa sa inhaler, ngayon napapadalas pag nenebulizer ko.

Ayaw akong payagan ng TL ko to do immediate. Before pa ako mag resign, nagpa APE kame sa company, comment ng doctor sa akin "ang lakas ng tunog ng sa likod mo, ma'am". Nafifeel talaga ng body ko yung stess. Nag provide ako sa TL ko ng med cert. but still ayaw pa din akong payagan. Itatag niya daw ako ng AWOL.

Location: Manila

reddit.com
u/Haunting-Branch8669 — 8 hours ago