"IS OT IS FOR THE SMART PEOPLE ONLY?
I'm taking OT program since someone introduced this to me. Majority of my classmate is kinuha ang OT since related sa family or may background sila for OT. Tbh, nagugustuhan ko na siya, tho super nagulat ako sa dami ng subjects pero the idea of being an OT really made me want to pursue this program.
One day, my prof suddenly gave us an advice that really ask about the reality. My prof said na "wag niyong itake ang OT kung napilitan lang kayo at para sa pera. Kunin niyo ang OT dahil gusto niyo. Para sa matatalino lang ang OT."
Napatanong nalang ako sa isip "nakadepende ba talaga sa talino ang OT". Naniniwala kasi ako na lahat ng program ay basically kinukuha for practicality, i mean sa tingin niyo bakit dumami bigla ang mga nagtake ng IT/comsci program. because of the in demand para sa mga AI or technology stuff.
Di naman ako nasaktan sa sinabi ng prof ko, aware naman akong hindi ako matalino pero nung sinabi niya yon alam kong meron siyang mga tao na gusto niyang patamaan. Hindi ko kasi maintindihan, alam kong kailangan natin magtake ng board exam after ng 4 year course pero hindi ba dapat instead na magfocus tayo sa papel, dapat nakafocus tayo sa mararanasan natin sa totoong buhay.
Ngayon, gusto kong malaman mismo sainyo mga OT registered or kaya naman nag aaral ngayong ng OT program, para lang ba sa matalino ang OT?