u/Fullmetalcupcakes

Parant lang ako QC peeps. Pagod na pagod na ko kakafile ng complaint araw araw aa LTFRB regarding PUVs plying QC na under ng service contracting program na di nagbibigay ng discount .

Madalas ikaw pa magpapaalala sa kanila. Di sila marunong sumunod.

Sa last complaint ko sa LTFRB sinabi ko na total failure ang SC Program na dapat idivert na lang nila funds kung saan makikinabang ang nakakarami.

In the end, sa dami ng papadalhan ng Show cause and mamumultahan yun din naman ang ending or either mababawasan yung nagbyahe.

Either or, tayong commuter din ang talo.

Ngayon lang sumakay ako byahe Cubao to Rosario, Pasig at may meeting ako dun. Aware ako magkano pamasahe (full fare) dahil di naman na ko unang beses pupunta dun.

Oo mahirap nga naman ang panahon pero di to ang panahon para manggulang tayo. Di panlalamang ang solusyon dahil pakiramdam natin iniwan tayo sa ere ng pamahalaan. Simpleng pagsunod lang sa nakatakdang kasunduan sana tayo magsimula lalo na bayad naman ng pamahalaan yung diskwento na dapat binibigay sa mananakay.

It shouldn't be asked - it should be given to commuters without them asking for it.

reddit.com
u/Fullmetalcupcakes — 9 days ago