u/Front_Blackberry_318

cpale may 2026

Normal lang ba na sa review journey, minsan pakiramdam mo parang hindi enough yung ginagawa mo? Yung tipong akala mo gets mo na before, nasagutan mo na noon, pero pag nagre-recall ka ulit, parang ang dami mo pa palang hindi alam o nakalimutan na. Parang back to zero na naman.

Minsan napapaisip ako kung tama ba yung ginagawa kong paraan ng pagre-review, o kung sapat ba yung effort ko. Nakaka-frustrate, pero gusto ko lang malaman kung ako lang ba yung nakakaramdam nito, o normal lang talaga siya sa process ng pag-aaral at pagre-review. 🥹😭

Ano po yung naging pinaka-assurance niyo na you were doing enough?

May specific sign ba, routine, or mindset na nakatulong sa inyo para masabi sa sarili niyo na nasa tamang direction kayo kahit mahirap at paulit-ulit ang recall? 🥹

reddit.com
u/Front_Blackberry_318 — 19 hours ago