u/ForwardRegister5369

Image 1 — Patulong po sana kasi ayaw angkinin nung mekaniko yung problema na ginawa niya
Image 2 — Patulong po sana kasi ayaw angkinin nung mekaniko yung problema na ginawa niya
Image 3 — Patulong po sana kasi ayaw angkinin nung mekaniko yung problema na ginawa niya
Image 4 — Patulong po sana kasi ayaw angkinin nung mekaniko yung problema na ginawa niya
▲ 57 r/CarsPH

Patulong po sana kasi ayaw angkinin nung mekaniko yung problema na ginawa niya

Hi po gusto ko lang po mag tanong if ano pwede kong gawing move para sa mekaniko na tinatanggi na kasalanan niya yung pagkasira ng kotse ko. Pumunta po kasi ako sakanila para magpagawa neto:
-Pull down evaporator for cleaning
-Re-fill Freon
-Vaccum & oil
-Flushing of line with 141b & nitrogen.

Okay naman yung first service nila saken, pero yung 2nd time this Saturday lang is after nilang magawa yang mga yan ready to go na raw yung car. Inistart ko, then yung idle na ng kotse ko pag naka-AC is 1800 and babagsak bigla to 1k. Tinanong ko sila and sabe gawa raw ng compressor nag aautomatic naraw, before daw kasi hinde. And dahil daw sa tuneable ECU ko, ipa-retune ko raw para umayos yung idle issue na gawa nila. Wala pang 1 minute, bumalik ako kasi may natunog na malakas na galing sa AC ko nung driving ako, sabi ko “kuya sama ka nga saken saglit, pakinggan mo ‘tong natunog, kasi ang ingay e”. Sumakay naman siya and sabi niya normal lang yan mawawala din yan. Ni-let go ko na kasi susunduin ko pa tatay ko. Habang waiting naman ako sa tatay ko, bigla naman nawala ang lamig, parang naging fan nalang yung AC ko. Wala pang 5 minutes ‘to ah. Kasi malapit lang yung pagsusunduan ko sa tatay ko and yung auto shop na yon. Sabi ko sa tatay ko, balik kami para matanong ulet ano problema, so we did. Sabi saken nanaman is “yung compressor mo yan sir, gawa nga nang nag a-automatic na siya unlike before. Contactin mo yung tuner mo boss para mapaayos yan” hinayaan ko na, kasi tatay ko galing trabaho din pagod. Pumunta muna kami ng mall 5 minutes away lang. Nag rereverse ako sa parking then boom the car died. Triny ko tawag yung gumawa dahil malapit lang siya, kayang kaya motor-in. Sabi banaman saken tawagan ko raw yung isa autoshop at magpatulong don. Sabi ko “Boss, kayo gumawa neto, pano yon? Wala pang 30 minutes halos ‘tong sasakyan saken ganto na nangyare sa ginawa n’yo”. Hanggang sa ang dami na niya dahilan na ‘di siya makakapunta. Called some help sa mga friends na mechanic and sabi nila yung fuse pumutok, ang suspect ko talaga is battery pero hinde pala. We tried jumpstarting it pa e. Pero yung nga fuse problema. Fast forward, nakauwi ako by doing some bypass sa fuse. Kahapon(May 11), pinahome service ko sa kakilala ko since hinde na running e. Umusok na yung loob ng kotse, sunog na harness ko. Sabi ng friend ko is naipit yung wire sa may evap, kaya nag short and nasunog yung wire papuntang harness. Halos lahat na ng wire sunog, kelangan ng bagong harness. Tumawag ako sa nag ayos ng aircon ko para explain sakaniya yung damage na ginawa niya, ayaw niya tanggapin na kasalanan niya. Sabi niya malayo raw yung wire don bago niya kinabit. E dun nga nagsimula masunog sa naipit na wire(sabi ng friend ko na mekaniko). Sila pinag usap ko, hinde talaga daw niya kasalanan yon. balak ko puntahan bukas para pakita sakaniya yung mga damages and yung babayaran kong mga gagawin. 4500 bayad ko sa ginawa niya, tapos more or less 9k kelangan ko for repair. Kinausap ko yung shop tungkol dito pero ayaw nilang tanggapin yung responsibility. Ang sabi nila malayo raw yung wire sa area na ginawa nila, pero according sa mekanikong tumingin, doon mismo nagsimula yung short circuit.

Balak ko po silang puntahan bukas para ipakita yung actual damages at expenses. Ano po kaya magandang gawin sa ganitong situation? May habol po ba ako kung sakaling ayaw talaga nilang akuin?

u/ForwardRegister5369 — 3 days ago