u/ForeverKindly9232

For context, 1st job ko ang pagiging VA in general. Nakapasok ako sa agency tapos ang role ko ay va ng isang real estate. 2 weeks na nakalipas since mag resign yung trainer ko, hanggang ngayon wala parin akong account sa client kaya hindi pa nila napapasa sakin yung mga files at tasks. May isang type ng task lang akong nagagawa rn kasi accessible pa on my end yung acc ng dati kong trainer (both naman may consent ng client at nung trainer ko na pwede ko munang gamitin yung acc na yon since pending pa nga yung sakin), and yung task na yon 3 times ko palang nagagawa.

First week, everyday pa ako nag eemail at follow up kaya nabigyan nila ako ng tasks. Ngayong pa 2nd week ko na di na ako gaano nag eemail kasi di rin naman nila ako gaanong nirereplyan tapos feeling ko nakukulitan na sila saken, pero nag rereach out pa rin naman ako, hindi nga lang araw-araw.

Sabi sakin ng IT last week, nakapag request na raw sila ng acc pero hindi pa raw naa-approve o kahit seen man lang.

Alam ng TL ko yung set up ko na to, hindi ko lang na reraise pa sa HR ko kasi baka pati pay ko ma-hold din. Nasweldo parin kasi ako kahit na pending parin ang acc ko sa end ng client dahil nga naka agency ako. Need ko rin kasi now ng pera kasi kakabukod ko lang ng bahay and currently may baby ako. Ayaw ko naman pag work-in muna ang asawa ko kasi walang mag aalaga sa baby habang naka duty ako. Sabi naman ng TL ko hindi pa naman daw nag raraise ang client na mag end na sila ng contract sa agency. If mawalan naman daw ako may ipapalit naman daw silang client sa akin.

Nag ooverthink ako ngayon baka bigla akong mawalan ng trabaho kasi nakalagay din sa contract namin ng agency mismo na pwede nila (agency) i-end ang contract ko sa kanila anytime. Talaga bang ganito katagal maprocess yung acc sa client? Ang kanila kasing gamit ay PropertyMe, RP Data, Outlook, etc. Sabi pa nung trainer ko may bukod pa raw na google drive yung client na ibibigay na access sa akin. Hindi ko rin suee kung pwede bang mag request ng bagong client sa agency or kung pwede bang 2 client ang mahawakan ko, wala kasing nakalagay sa contract. Hindi rin ako comfortable pa magtanong sa HR.

reddit.com
u/ForeverKindly9232 — 14 days ago